The Philippines' most celebrated boxer, Manny Pacquiao. Ang tinaguriang Pambansang Kamao. Tunay ngang nararapat nga lamang siya sa taguring ito. Buong bansa ay saludo at taas-noong ipinagmamalaki si Pacman. Walang kapantay, maging sa ibang lahi, ang natamong tagumpay ni Pacquiao sa larangan ng boxing, pitong titulo sa magkakaibang dibisyon. At muli nga niyang pinatunayan ang kanyang husay sa kanyang huling laban kay Joshua Clottey noong Linggo. Hindi man ito kasing-exciting kumpara sa mga naunang pakikipagsuntukan sa lona, hindi pa rin matatawaran ang ipinakitang performance ni Pacman sa labanang mala-David at Goliath, dahil sa laki ng agwat ng kanilang sukat. Matagumpay na naidepensa ni Pacman ang WBO welterweight crown.
Hindi ako maituturing na isang boxing fan. Hindi ito ang klase ng sports na aking panonoorin. Pero ang isang Manny Pacquiao lamang ang nag-iisang boksingero na nakapagbigay sa akin ng interes na manood ng boxing. Binigyan niya ako ng dahilan upang ipagmalaki na ako ay isang Pilipino, na hindi umuurong sa anumang uri ng laban. Tunay na pambansang simbolo ng lahing kayumanggi na walang anumang pagsubok ng tadhana ang inaatrasan, gaano man ito kalaki, kabigat o kahirap. Congratulations Manny at sa buong lahing Pilipino na patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay.
Isang mahalagang simbolo rin ng ating Inang Bayan ang Pambansang Awit na "Lupang Hinirang", na ang musika ay likha ni Julian Felipe at ang mga titik ay isinulat ni Jose Palma. Ngunit hindi ang lyrics na ating ginagamit sa ngayon ang orihinal na titik nito. Inangkop lamang ito sa tulang "Filipinas" ni Jose Palma na noo'y nasa wikang Kastila. Nauna pa nga itong naisalin sa English bago pa naisa-Tagalog, na tinawag noon na Philippine Hymn noong dekada 1920. At noon lamang 1940's isinalin sa Tagalog ang ating Pambansang Awit. Mula sa titulong Philippine Hymn, ay naging "Diwa ng Bayan" noong panahon ng Hapon, na naging "Lupang Pinipintuho" noong 1948. Marami pang ibang bersiyon ng pagsasalin ang sumunod sa kalaunan. At ang "Lupang Hinirang" na alam natin sa ngayon ay noon lamang 1962 naisaling-wika na binuo nina Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos, at Francisco Caballo. At ang Pambansang Awit na ito ang sentro ngayon ng kontrobersiya sa likod ng tagumpay ng Pambansang Kamao.
Sa bawat laban ni Pacquiao ay mga de-kalibreng mang-aawit ang pinipili na kumanta ng ating Pambansang Awit, Martin Nievera, Regine Velasquez, Lani Misalucha at maraming pang iba. Na ang pinakahuli ay ang world-class singer na si Arnel Pineda. Iba't ibang bersiyon ang narinig ko mula sa mga singers na ito. At ito ang binabantayan ng National Historical Institute. Naaayon sa batas na ang pag-awit ng Pambansang Awit ay mayroong sinusunod na partikular na pamantayan. At ang hindi pagsunod sa batas na ito ay may karampatang kaparusahan.
Sa ganang akin ay mayroong mali sa ating batas. Hindi man kinanta ng mga nabanggit na singers ang Pambansang Awit sa orihinal nitong tono at tiyempo, ay ramdam mo sa kanila na damang-damang nila ang pagka-Pilipino sa kanilang pag-awit. Nagmumula sa puso ang bawat titik na lumalabas sa kanilang bibig. Hindi sapat na basehan na dahil lamang sa naiba ang bersiyon ay nabastos ang national anthem. Sabi nga ng aking professor noong college, art is relative - what is beautiful to you may not be beautiful to me, and what is not beautiful to you may be beautiful to me. Kanya- kanyang taste lang yan 'ika nga. Ang musika ay nasasaklaw ng sining. Tulad ng ibang larangan ng sining, ay pagkanta ay ipinapamalas ayon sa iyong nararamdaman at hindi limitado ng mga pamantayan. Bakit nga ba may ilang beses nang naiba ang titik ng ating Pambansang Awit? Dahil ba sa ito ay napaglipasan na ng panahon? O dahil hindi na maganda sa ating pandinig?